Monday, November 3, 2014

ICC, iimbestigahan na ng senado

IKINAKASA na ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano’y overpricing sa kontraksyon ng Iloilo Convention Center (ICC) at iba ang usaping may kaugnayan dito.


Ang imbestigasyon sa nasabing usapin ay isinulong ni Senador Miriam Defensor-Santiago batay na rin sa Senate Resolution Number 906.


Kaagad sisimulan ng Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa sandaling makumpleto ang mga requirement sa naturang usapin.


Todo pagtatanggol ang mga Liberal Party (LP) leaders kay Senate President Frank Drilon at iba pang Cabinet officials na isinabit sa alegasyon na overpricing ng Iloilo Convention Center (ICC).


Sama-samang naglabas ng joint statment sina LP secretary general at Western Samar 1st district Rep. Mel Senen Sarmiento, LP spokesperson at dating Quezon Rep. Erin Tañada at Eastern Samar Rep. Ben Evardone, sa pagsasabing ang panawagan na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado ay bahagi ng “diversionary squid tactic.”


Ipinagtanggol ng mga mambabatas ang naging statement nina Drilon, DPWH Sec. Rogelio Singson at Tourism Secretary Ramon Jimenez na walang overpricing sa proyekto.


Agad namang nilinaw ni Cong. Sarmiento na hindi nila tinututulan ang gagawing imbestigasyon ng Senate blue ribbon committe sa isyu. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



ICC, iimbestigahan na ng senado


No comments:

Post a Comment