SINIMULAN na ang pagsasagawa ng combined maritime operations ang Philippine Navy at Philippine Air Force sa kanilang taunang interoperability exercises na tinawang na codenamed “Dagit”.
Ayon kay Philippine Fleet Commander Rear Adm. Jaime Bernardino, nais nilang mapaigting pa ang kapasidad ng Philippine Navy sa pakikipagtulungan ng Philippine Air Force partikular ang joint capability para sa anti-surface, anti-submarine at anti-air warfare operations.
Ang joint exercises codenamed Dagit ay nag-umpisa kahapon hanggang November 7 sa Naval Base Cavite, Sangley, Ternate at Manila Bay.
Ang mga participating forces ng Navy ay ang isang patrol gunboat, apat na aircrafts at ilang personnel mula sa Naval Special Operations Group (NAVSOG) at Philippine Marine Corps (PMC).
Habang sa panig ng Philippine Air Force, pitong aircraft ang lalahok sa nasabing execises kabilang ang personnel ng 710th Special Operations Wing (SPOW).
Kabilang sa mga aktibidad ay ang subject matter na expertise exchanges, shipboard tactical maneuvers, close air support operations, helicopter operations, gunnery exercises, maritime air surveillance at communication exercises.
Inihayag ni Phil. Navy Public Affairs Office Chief Lt. Commander Marineth Domingo na layon ng nasabing interoprability exercises ay para paigtingin ang camaraderie sa pagitan ng mga kalahok na participants.
Sinabi ni Domingo na importante ang pag papaigting na capability ng sa gayon magkaroon ng efficiency sa pagsagawa ng kanilang mga mandated task. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment