AARANGKADA na ang sariling imbestigasyon ng Senate blue ribbon committee sa umano’y overpriced na Iloilo Convention Center (ICC) kahit nakabinbin na sa Ombudsman ang usapin.
Ayon kay Sen. Teofisto “TG” Guingona, isasagawa ang senate probe sa Nobyembre 13, 2014, Huwebes.
Kabilang sa mga pinadalhan na ng abiso sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson, Department of Tourism (DOT) Sec. Ramon Jimenez at ang nag-aakusa sa kaso na si dating Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada, Jr.
Gayunman, hindi ititigil ang hiwalay na imbestigasyon laban kay VP Jejomar Binay dahil sub-committee naman ang nangangasiwa sa pagsisiyasat.
Katunayan, naitakda na sa Nobyembre 17 ang susunod na hearing ng sub-committee. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment