MATAPOS ang selebrasyon ng Todos Los Santos, nakatutok naman ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Christmas season.
Una umanong bibigyan ng solusyon ng MMDA ang inaasahang mas mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, asahang matatapos na ang “re-blocking” ng Department of Public Works and Highways (DPWH) bago mag-Disyembre.
Upang maiwasan ang matinding traffic, ipatitigil muna nila ang lahat ng konstraksyon sa mga kalsada.
Pinayuhan naman ni Tolentino ang mga dadagsang mamimili ng panregalo sa Divisoria at Binondo na gamitin ang MMDA Ferry System para maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Kapag nag-umpisa na ang simbang gabi, sinabi ni Tolentino na maaari ring gamitin ng publiko ang ferry system kung pupunta sa Sta. Cruz church, Quiapo Church, Blessed Lorenzo Ruiz church sa Binondo at Sta. Ana Church. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment