UMABOT na sa Metro Manila ang Northeast monsoon o amihan na nakaaapekto sa Luzon.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Glaiza Escullar, inaasahang maaapektuhan ng Amihan ang Kamaynilaan, bukod pa sa Northern at Central Luzon, sa buong linggong ito.
Sinabi ni Escullar na naitala noong Nobyembre 7 ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ngayong taon na pumalo sa 19.7-degree Celsius.
Nob. 7 din naitala ang pinakamalamig sa Baguio City dahil sa Amihan na umabot sa 12.4-degree Celsius.
Ayon kay Escullar, may namataan silang cloud cluster pero nasa labas pa ito ng Philippine area of responsibility (PAR) partikular sa silangan ng Visayas. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment