PERSONAL na iniabot ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte kay Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima ang P1-milyong pabuya para sa informant para malutas ang kasong pagpatay sa car racing champion na si Enzo Pastor.
Sinabi ni PNP spokesman Wilben Mayor, dumalo mismo si Duterte sa flag raising ceremony sa PNP National Headquarters sa Camp Crame kaninang umaga, Nobyembre 10, para pangunahan at maging guest speaker sa lingguhang aktibidad ng pambansang pulisya.
Nilinaw naman agad ni Mayor na walang bahid ng politika ang pagpunta ni Duterte na isa sa matunog na itinutulak na tumakbo sa pagka-presidente sa 2016.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Duterte ang magandang ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Davao at ng pulisya para masawata ang krimen.
Matapos naman ang programa ay hindi na nagpaunlak ng anomang panayam si Duterte. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment