Monday, November 10, 2014

Babaerong mister, putol ang manoy kay misis

DAHIL sa pagiging babaero, tinagpas ng isang ginang ang maselang bahagi ng katawan ng kanyang mister sa lalawigan ng Maguindanao nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 9.


Sumuko naman agad sa pulisya at nahaharap sa kasong serious physical injury ang suspek na nakilala lamang na Alyas Neneng, 37, ng Buluan, Maguindanao.


Sinusubukan namang ipagdugtong ng mga manggagamot sa South Cotabato Provincial Hospital (SCPH) ang naputol na ari ng biktimang si Aladin Mangungudatu Dimawali.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8 p.m. sa mismong kuwarto ng biktima.


Bago ito, umuwing lasing na lasing kagabi si Dimawali at agad kinumpronta ng suspek dahil matagal nang may hinala itong may ibang karelasyon ang kanyang mister.


Pero sa inis ay tinalikuran ng biktima ang pagtatalak ng misis at pumasok agad sa kanilang kuwarto para matulog.


Lingid sa kaalaman ng biktima, hinintay lang pala siya ng kanyang misis na makatulog saka kinuha ang kutsilyo sa kanilang kusina at hinubad ang kanyang pantalon bago isinakatuparan ang maitim na balak. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Babaerong mister, putol ang manoy kay misis


No comments:

Post a Comment