AAPELA sa Korte Suprema ang mga grupo ng IT experts na pigilin ang bidding ng Comelec para sa pagbili ng karagdagang Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines para sa 2016 elections.
Nais din ng grupo na pagbawalan ang Smartmatic na lumahok sa bidding.
Ayon sa mga IT expert hindi na dapat palahukin sa bidding ang smartmatic dahil may sapat silang basehan para ma-disqualify at ma-blakclist ang kumpanya.
Giit pa ng mga IT expert minamanipula ng PCOS machine ang resulta ng halalan at nagpakita na sila ng ebidensiya na hindi consistent ang nasabing makina.
Batay umano sa ginawang testing sa ibang PCOS machine, hindi binilang ng makina ang actual na boto na nakasaad sa mga balota.
Nakatakda namang simulan ng Comelec ngayong linggo ang bidding para sa karagadagang 40,000 PCOS machine na gagamitin sa halalan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment