BALIK nang muli sa normal ang sitwasyon ngayon sa NAIA terminal 3, sa Pasay.
Ayon kay Engr. Octavio Lina, terminal 3 manager, paisa-isa ang dating ng mga eroplano mula sa mga probinsya at tuloy-tuloy palabas ng terminal ang mga pasahero.
Hangga’t maaari, dini-discourage ng opisyal ang mga pasahero na sumakay ng taxi na hindi accredited ng MIAA, pero hindi naman daw nila binabawaln ang mga pasahero na sumakay ng puting taxi na pumipilia sa exit ng terminal 3.
Ipinaliwanag ni Engr. Lina ang acccredited metered taxi ay mas ligtas, kapag may naiwanan at may reklamo madaling masolusyunan dahil nag-iisyu sila ng dispatch slip, ‘yun nga lang may kataasan ang pasahe, hindi tulad ng mga pumipilang taxi sa terminal 3 exit, kakailanganin pang makipag-coordinate sa LTFRB bago malamang kung sino ang operator ng taxi.
Aniya pa, hindi kontrolado ang mga puting taxi. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment