TINALIKURAN na at wala nang planong tumakbo sa politika si Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos ang termino ngayon.
Inanunsyo niya ito habang pinababaklas ang mga billboard sa Davao na naghihikayat sa kanyang tumakbo sa pagka-presidente sa 2016.
Muli ring inihayag ni Duterte na wala siyang plano tumakbo sa mas mataas na posisyon at matatapos sa Davao City ang paninilbihan niya.
Isa umano sa dahilan nito ay ang health condition niya.
Ibinunyag din ni Duterte na karapat-dapat na pumalit sa kanya bilang alkade ang anak at ex-Davao City Mayor Inday Sara Duterte, hindi dahil sa political dynasty pero dahil aniya sa kakayahan nito.
Samantala, nakiusap naman si Mayor Duterte na tanggalin na rin ang iba pang mga billboard sa labas ng Davao na layong pilitin siya sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment