SIMPLENG birthday celebration ang naganap sa kaarawan ni Batangas Governor Vilma Santos last Nov. 2, kung saan nag-dinner silang mag-anak at ilang malalapit na kaibigan.
Ayon kay Luis Manzano, isang diamond set ng jewelry ang birthday gift niya sa inang si Gov. Vilma, who turned 61 last Nov. 3 pero isinauli raw kaagad ni Ate Vi kay Luis ang ring matapos na ito’y isukat dahil kailangan daw baguhin.
“I got her a jewelry set. She put it on right away, the earrings. Nakatutuwa lang talaga, she gave me back the ring kasi kailangang baguhin ‘yung sukat. But I like to think na nagustuhan niya talaga ang regalo ko,” say ni Luis.
Totoo raw na nag-dinner sila nang araw ng kaarawan ni Ate Vi last Nov. 2 na present lang ang mga malalapit sa birthday celebrant. “Nag-dinner kami, to be more precise, on the second kasi nga, trabaho lahat ngayon. Everyone close to my mom were there. Simple dinner lang.”
We heard na kasama rin ni Luis sa simple dinner birthday celebration si Angel Locsin na nagregalo ng signature bag sa Star For All Season. Ayon pa kay Luis, kagagaling lang sa skin allergy ni Gov. Vi at nagpapagaling na raw ito ngayon.
“She’s gonna be okay in no time. Siguro bad timing lang, very bad timing. In fact, with what happened, she had to move around certain endorsement she was supposed to shoot. Alam ko, they were supposed to do some things regarding the movie with Angel so nausog na naman ‘yon,” tsika pa ni Luis.
***
Natapos na rin sa wakas ang matinding problemang kinaharap ni Derek Ramsay tungkol demanda sa kanya ng ex-wife na si Mary Christine Jolly. Ngayon ay hangad rin ni Derek na maging maayos na rin ang relasyon niya sa anak kay Jolly na si Austin, 11-years old.
“Im lost for words. I got an opportunity to see my son now for more than one hour He said a lot of things that melted my heart, great things. Di ba, alam naman natin ‘yung sulat na he hates me? That’s not what he said to me when we spent time together.
“He’s a great kid, a smart kid. I know we`re taking baby steps. But in a few times that I’ve seen him, we’ve taken huge leaps in creating a father and son bond,” pahayag pa ni Derek.
Ngayong okey at naayos na ang problema nila ng ex-wife ay gusto namang punuan ni Derek ang pagkukulang niya sa kanyang anak. “I’m excited to see him and spend all day with him. Maybe we’re gonna look for a dog, He wants a dog. Besically, we’ll do whatever he wants to do. We’re taking baby steps. I’m gonna be his friend. And one day work to him calling me dad, “ nakangiting say pa ni Derek.
Nakatakdang nang bumalik ng Dubai si Austin at ina nito pero humiling si Derek ng visitation rights para makasama niya ang kanyang anak tuwing holidays. Sa agreement daw kasi ay makakasama niya ang anak tuwing holidays, summer or Christmas ng dalawang Linggo at pwede siyang bumisita rito.
“He could fly in to visit me. I’m positive that everything will be fine. Tingnan na lang natin. I’m crossing my fingers,” pagtatapos ni Derek. TEKA MUNA/GERRY OCAMPO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment