Monday, November 10, 2014

Isabel Granada trusted endorser na!

“THANK you to my Haima family for believing in me and to all the buyers!” Isabel Granada says beaming dahil naging matagumpay ang visitors on the launch. “Thank you so much, we had a great time. Masaya ako sa pagiging Haima ambassador,” sabi pa niya.


“Haima vehicles, like my Haima 2, are excellent. They are easy to drive, with outstanding fuel economy and a host of other features like safety which are sure fit for everyone in any road and driving condition. Drive it to Believe, it’s my car,” sabi pa ni Isa.


Nagpapasalamat din si Isa dahil bukod sa endorsement, marami siyang shows abroad at may movie at TV projects siyang gagawin.


Nang napadako naman ang usapan namin sa Walk of Fame ni Kuya Germs, sinabi ni Isa na wala pa raw siyang star dito. Kaya tinanong namin siya kung kailan kaya ibibigay ni Kuya Germs ang star niya?


“Siguro po kapag oras na talaga for me to have it. Syempre, marami naman tayong artista sa showbiz so i cannot say na… hindi naman niya ako nakalilimutan, pero hindi naman lahat ay mabibigyan ng sabay-sabay.”


Hindi ba siya nagtatampo kay Kuya Germs?


“Hinding-hindi naman po ako pwedeng magtampo kay Kuya Germs dahil parang ama na ang turing ko sa kanya, e. Pero syempre, nandoon din iyong wish ko na sana ay malagay rin ako roon.”


“Actually, may mga taong nagtatampo for me. But of course, I explain to them na hindi naman kasi pwedeng sabay-sabay tayong bibigyan ng star. Let’s just wait and see and be thankful kung malagay tayo. Kung hindi, let’s still be thankful.”


Idinagdag pa ni Isa ang nagawang tulong ni Kuya Germs sa kanyang career.


“Eversince naman, lagi kong sinasabi na I’m very thankful kay Kuya Germs at malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil naging part ako ng That’s Entertainment.


“Not only that, naging part din ako ng GMA Supershow nang medyo lumampas na tayo sa pagiging teenager. For two to three years ay nag-host din ako roon. Kaya I’m very thankful dahil naging matibay ang foundation ko talaga.


“Kaya ibang klase talaga si Kuya Germs, hindi lang siya Master Showman kundi marami pa siyang natulungan at na-discover na artista. In fact, hindi ka lang niya tuturuan sa skills, e. Tutulungan ka rin niya kung paano magtrabaho sa kapwa artista at sa crew and staff. Pati iyong punctuality, lahat iyon ay importante kay Kuya Germs.” MAURIRAT/CESAR PAMBID


.. Continue: Remate.ph (source)



Isabel Granada trusted endorser na!


No comments:

Post a Comment