Thursday, November 27, 2014

MMDA enforcer, basag ang ilong sa sinitang motorista

BASAG ang ilong ng isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos sapakin at kaladkarin pa ng sinitang driver ng sports car sa kanto ng Araneta Ave. at Quezon Ave. sa Quezon City.


Kinilala ang biktimang MMDA enforcer na si Jorby Adriatico.


Dahil sa hirap sa pagsasalita, isinalaysay ni Rodolfo Fernandez, kasamahan ni Adriatico, na galing sa Araneta Ave. ang asul na Maserati Marshall na walang plaka at tinangkang kumaliwa sa intersection ng Quezon Ave. patungo sanang EDSA.


Kinunan aniya ng video ni Adriatico ang motorista na maaaring ikinagalit nito kaya dumiretso na lamang sa U-turn slot.


Pero pagsapit nito sa pakanan ng Quezon Ave., huminto ang Maserati at tinawag ng driver si Adriatico.


Paglapit ni Adriatico, hinablot umano ng driver ang damit nito saka sinapak.


Pinaandar pa ng driver ang sasakyan habang nakikipambuno sa traffic enforcer na umabot pa sa Sct. Chuatoco.


Sa pagtakas ng Maserati driver, tinangay pa nito ang cellphone ng biktima.


Matapos ang insidente ay nagtamo ng sugat ang biktima at nabali pa ang ilong nito.


Nagpapagamot na ang traffic enforcer sa ospital habang pinaghahanap ang driver. JOHNNY ARASGA / IVAN GADDIA


.. Continue: Remate.ph (source)



MMDA enforcer, basag ang ilong sa sinitang motorista


No comments:

Post a Comment