Wednesday, November 26, 2014

500 Pinoy nurse, kailangan sa bubuksang ospital sa Qatar

AABOT sa limandaang (500) Pinoy nurse at medical technicians ang kailangan para sa bubuksang ospital sa Qatar sa susunod na taon.


Ang ulat ay kinumpirma ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz matapos makipagpulong sa Ministry of Labor ng Qatar.


Una nang kumuha ng kabuuang 200,000 Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang Qatar na dinagdagan pa ng panibagong job order para sa 500 nurse at medical technicians para sa pagbubukas ng Sidra Medical and Research Center na isang ultra modern at all digital academic medical center. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



500 Pinoy nurse, kailangan sa bubuksang ospital sa Qatar


No comments:

Post a Comment