BINIGYAN ng 15-araw ni Judge Reyes ang defense counsel para magsumite ng formal offer of evidence bago nila pagpasyahan kung papayagang makapagpiyansa si Zaldy Ampatuan sa kasong Maguindanao massacre.
Gayunman, walang naiprisintang bagong testigo ang kampo ni Zaldy Ampatuan sa petisyon niyang makapagpiyansa sa mga kasong kinakaharap kaugnay sa Maguindanao massacre.
Sa pagdinig sa sala ni Quezon City RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes, inamin ng mga abogado ni Ampatuan na hirap silang maghanap ng testigo kaya pinatigil na nila ang presentation of evidence, bagama’t tatlo pa sanang testigo ang nakatakda nilang iharap.
Bukod dito, sinabi ng kampo ni Zaldy Ampatuan na kapos na sa panahon dahil hanggang sa katapusan lamang ng Nobyembre ang ibinigay ng korte para magprisinta sila ng testigo. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment