Monday, November 3, 2014

Labi ni Flavier, nasa DoH na

DUMATING na kaninang umaga sa Departement of Health (DoH) compound ang labi ng dating Health Secretary at Senator Juan Flavier para sa kanyang necrological service.


Nasawi si Flavier dahil sa multi-organ failure at sepsis noong Oktubre 30 sa National Kidney Transplant Institute na nagkaroon ng komplikasyon sa pneumonia.


Kasamang dumating sa DoH ang naiwang pamilya ni Flavier ang kanyang maybahay na si Alma Suana at mga anak at apo nito.


Naroon din ang nagbakasyon na si Health Secretary Enrique Ona, Health Assistant Secretary Eric Tayag at dating Health Undersecretary at ngayon’y PhilHealth president Alex Padilla.


Maaalalang si Flavier ay siyang nagpasikat sa programang “Yosi Kadiri”, Let’ DOH it”.


Kabilang sa naging programa nito ang Oplan Alis Disease, Doctors to the Barrio (DTTB).


Itinalaga si Flavier bilang kalihim ng Kagawaran ng Kalusogan noong 1993 sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.


Nahalal naman ito bilang senador ng dalawang beses noong 1995 at 2001. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Labi ni Flavier, nasa DoH na


No comments:

Post a Comment