Monday, November 3, 2014

MGA DATING STAR

HINDI kumukupas ang popularidad ng Philippine Basketball Association (PBA).


Sikat na sikat pa rin ang PBA ngayon na 40th season na ang Liga. At lalo pang sumisikat.


Nito ngang huling opening ceremonies na ginanap sa bagong-bagong Philippine Arena sa Bulacan kamakailan ay record-breaking ang attendance na 52,000 fans.


Nakadagdag pa ang pagsali ng pambansang kamao na si Congressman Manny Pacquiao sa Liga sa sarili niyang koponan kung saan ang sikat na asawa na si Vice Governor Jinkee Pacquiao naman ang muse.


Patuloy na nag-e-evolve ang PBA. At malalim ang relasyon ng Pinoy sa basketball.


Marami sa mga kabataan natin ang nag-iidolo sa mga basketball player, lokal man o Fil-Am.


Kaya naman mas lalong sumisikat kahit sa labas ng court ang mga basketball superstar.


Looking back, ang dami na ng basketball players ang naging bahagi na ng buhay natin.


Ang ilan sa kanila ay nakikita pa natin ngayon sa mga balita, sa TV at sa radyo, maging sa pelikula.


Pero meron ding parang nawala na ang ningning ng kanilang bituin.


May nabalitaan ako na mga dating basketball star na may sakit, mga walang trabaho o kaya ay naghahanapbuhay bilang mga tindero o mga tricycle driver at iba pa.


Magandang ideya siguro na muling mabigyan ng pagkakataon na umangat muli ang mga dating bituin na ito sa mundo ng basketball.


Kung halimbawa ay maimbitahan sila sa mga laro at maipakilala sa bagong henerasyon ng basketball fans.


Kung may booth na nagdi-display ng mga larawan ng kanilang past glory tapos may mga merchandise ng PBA for sale, kikita ang PBA at maaari pang matulungan ang mga dating bituin kahit sa maliit na paraan, halimbawa ay maliit na honorarium.


O kaya’y pasikatin sila ulit sa kung anomang paraan.


Naniniwala ako na pwedeng buhayin muli ng Liga ang ningning ng mga dating bituin ng PBA dahil sa sobrang suporta ng tao na siyang dahilan ng patuloy na kasikatan ng PBA.


***

Mag-email ng inyong reaksyon sa ariel.inton@gmail.com or text sa 09178295982 o 09235388984. SIBOL/ATTY. ARIEL ENRILE-INTON


.. Continue: Remate.ph (source)



MGA DATING STAR


No comments:

Post a Comment