MGA aso at hindi mga pulis ang mga bida sa bagong unit na itinatag ng Northern Police District (NPD).
Ayon kay Chief Supt. Jonathan Ferdinand Miano, nagtatag siya ng bagong unit na K-9 dahil nakakuha siya ng 2 Belgian at isang Labrador.
Nalaman din ni Miano na marunong magturo ng mga aso si PO3 Charlie de Guzman dahilan upang itatag niya ang nasabing unit.
Sa unang pagkakataon ay ngayon lang magkakaroon ng mga K-9 ng NPD kung kaya hindi na nagdalawang-isip si Miano na itatag ito.
Mga bata pa ang mga nasabing mga aso kung kaya kailangan pa itong hasain subalit hindi magtatagal ay magiging bomb snipping dog na ang mga ito sa tulong ni De Guzman.
Malaking tulong ang mga magagawa ng mga aso dahil sa talas ng pang-amoy ng mga ito’y makapaghahanap ito ng mga bomba kung sakaling may banta.
Magagamit din ang mga bomb snipping dog sa mga terminal ng mga pampasaherong bus at jeepney upang hindi na makapinsala pa.
Madali rin matutunton kung may naglagay ng mga bomba sa mga malalaking pagtitipon.
Samantala, pinalitan ni Senior Supt. Bartolome Bustamante si Senior Supt. Ariel Arcinas bilang chief of police ng Caloocan City.
Si Bustamante ay kabilang sa PMA Class 89 na galing sa CIDG kung saan kumpiyansa naman si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa una na mapapanatili sa kaasuyan at paglaban sa krimen sa lungsod. RENE MANAHAN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment