Sunday, November 2, 2014

60 kabahayan sa QC, nasunog

NASUNOG ang may 60 kabahayan sa likod lamang ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Kapiligan St., Bgy. Doña Imelda, Quezon City kaninang umaga (Nobyembre 3).


Sumiklab ang sunog dakong 7 a.m. at umabot sa ika-limang alarma bago naapula ng alas-9 a.m.


Ayon kay fire marshall Jesus Fernandez, halos 100 pamilya ang naapektuhan ng sunog na sinasabing nagsimula sa napabayaang kandila sa bahay ng isang Mildred Sanchez.


Tinatayang P500,000 halaga ng ari-arian naman ang naging abo.


Wala namang naiulat na sugatan o namatay pero may isang residenteng kinilalang si Carlito Ande, 53, ang inatake ng altapresyon at hinimatay.


Pinangangambahan namang may nadamay na kable ng kuryente sa sunog dahil nangyari ito sa likod lamang ng pasilidad NGCP-Araneta Substation. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



60 kabahayan sa QC, nasunog


No comments:

Post a Comment