HIHIRIT ng 9-day furlough sa Sandiganbayan ang kampo ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo ngayong Lunes, Nobyembre 3, para sa pagpanaw ng bunso nitong apo.
Alas-9:30 Linggo ng umaga, namatay habang nasa Philippine Heart Center ang isang taon at isang-buwang gulang na apo ni Arroyo sa anak na si Luli.
Ang lalaking sanggol, na may congenital heart problem ang ikalawang anak ni Luli kay Luigi Bernas.
Matatandaang naka-hospital arrest si Arroyo sa VMMC sa Quezon City dahil sa kasong pandarambong. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment