MARAMING recording artists ang naga-audition sa ‘The Voice Philippines’ bakit hindi subukang sumali ni Gerald Santos? “For a time parang pumasok sa isip ko pero pinag-usapan namin ng manager ko at ng team namin, too risky na. Kumbaga, kasi may title na ako (Pinoy Pop Superstar Grand Champion), Tingin ko sapat naman na ‘yun. may awards na rin naman ako. Baka kung ano pa ang maging resulta dun, mawala pa ‘yung mga napatunayan ko na,” reaksyon niya.
Ano ang masasabi niya sa ibang recording artists na nagtangka mag-auditon sa ‘The Voice’?
“Okey lang. Ha!ha!ha! Good luck,” sey ni Gerald.
So, may takot factor din siya na mag-audition?
“Yes, oo, kumbaga, ang laki na ‘yung at stake sa akin, eh. Siguro kung mga 4 years ago o 2 years ago…nu’ng wala pa akong awards. Kumbaga, ngayon kasi sa tingin ko nai-establish ko rin naman ‘yung sarili ko sa industry as Gerald Santos,” pakli ng binata.
Anyway, ngayong Lunes, Nov. 10 ay magsisimula ang musical play ni Gerald na Pedro Calungsod – The Musical na prodyus ng Red Life Productions ni Ms. Bem Red Reyes sa Skydome, SM North Edsa.
Sa rehearsal pa lang ay kinikilabutan na kami sa mga kinakanta nila at talagang damang-dama mo.
Ano’ng reaksyon ni Gerald na rehearsal pa lang marami na ang kinikilabutan?
“Masaya ako kasi at least, nakukuha namin ‘yung gusto naming emosyon na makuha sa audience. Kumbaga, hindi naman nawawalan ng kabuluhan ‘yung rehearsal namin dahil nakukuha rin naming ‘yung tamang emosyon para mapakilabot ‘yung mga manonood,” deklara niya.
Dalawang buwan din silang nag-rehearse bago itanghal ang nasabing play. Mahirap ba?
“Yes, mahirap kasi ibang klase itong production naming this time. Talagang grabe, kumpleto sa props, kumpleto sa visual, graphics at ‘yung intensity ng script nito na ginawa ng manager ko- (Doc Rommel Ramilo na siya ring director ng play), sobrang ganda, talagang nabigyan ng buhay ‘yung buhay po ng ating pangalawang Santo,” bulalas pa ni Gerald.
Mas ginastusan daw ang play na ito kumpara sa unang ‘Pedro Calungsod’ na play niya.
“Sobrang magarbo po, e! Engrande itong musical play na ito,” pagmamalaki ng magaling na singer.
Nag-shoot pa si Gerald ng underwater para ipakita ang pagkamatay ni Pedro Calungsod na kung saan ay itinapon sa dagat. ‘Yung shoot na ‘yun ay mapapanood sa actual show ‘pag pinatay na sila.
“First time kong gawin ‘yung underwater scene. Nag-training muna ako kay Direk Jess Lapid, Jr. Ang sarap. Nu’ng una nakakatakot kasi 20 feet, ganoon kalalim ‘yung paghuhulugan sa akin, so, kailangan i-dive ko muna ‘yun, ma-praktis ko na mapunta sa ilalim at dun lang ako kukuha ng oxygen,” paglalahad pa ni Gerald.
Sa Anilao, Batangas raw kinunan ito.
Isang araw lang daw siyang na-train kay Jess at hindi naman siya nahirapan.
Nag-swimming lesson muna siya sa pool na 10 feet ang lalim. ‘Yun ang preparation niya dahil mahirap din naman na run pa lang siya turuan totally.
Gaganap si Shyr Valdez bilang ina ni Gerald sa play. Marami raw iyakan sa eksena nila habang kumakanta. “Binibiro ko nga siya, dapat ang gagawin namin mala-Sampaguita Pictures kasi, ha!ha!ha! Talagang bumabaha ng luha, ganoon. Ang ganda ng play na ito, may drama, comedy, may konting romance, may horror din. Mararamdaman lahat ng audience ‘yung emosyon na gusto naming iparating,” kwento pa niya.
Ayon sa producer na si Ma’am Bem, iikot daw ang play na ito sa mga Catholic schools sa buong Pilipinas lalo na sa parte ng Mindanao at Visayas. XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment