Monday, November 10, 2014

Idol ang awesome talent ni Dennis Trillo!

SA kabila ng kanyang kasikatan, hindi nahihiyang aminin ni Tom Rodriguez na si Dennis Trillo ang iniidolo niya sa industriya. Nakasama niya si Dennis sa seryeng My Husband’s Lover kung saan naging internationally acclaimed ang soap opera ito, nasundan pa ito ng primtime soap na ” My Destiny “. Ngayon,araw-araw namang nagpapasaya ng mga manonood si Tom sa game show na Don’t Lose the Money.


Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng nakararami, mahilig ring mag-drawing at magpinta ang aktor. Sa katunayan, kasama ang kanyang mga obra sa mga ibebenta sa Celebrity Ukay-Ukay ngayong taon. Bukod sa kanyang pamilya na siya raw pinakamalaki niyang inspirasyon, sino pa nga ba ang nagtutulak kay Tom upang maging isang mas magaling na artista?


Isa sa mga binanggit ng actor in a local showbiz ay ang actor na si Dennis Trillo, isa daw ito sa mga hinahangaan niya. “I idolize him to the point na kahit ‘yung work ethics niya ginagaya ko, and his outlook on work, ‘yung walang damot.”


Maswerte nga raw siya at naranasan niyang makatrabaho si Dennis dahil marami raw siyang natutuhan dito.


Sabi pa niya, “He’s an artist talaga. He’s really serious about his craft and that’s something I admire and want to emulate.”


***


ILANG araw na lang huhusgahan na ang pambato natin sa Miss International 2014 na si Bianca Guidotti. Gaganapin ang coronation night sa darating na November 11 sa Grand Prince Hotel sa Takanawa, Tokyo Japan. Crowd favorite umano ang pambato ng Pilipinas na si Bianca Guidotti. Marami tuloy ang nagsasabi na malaki ang pag-asa ni Bianca na makapasok sa Top 3 or mauwi niya uli ang titulo for Miss International 2014.


Kahit malaki ang pressure, sisikapin daw niya maiuwi ang titulo dahil nakatataba raw sa puso ang mainit na pagtanggap sa kanya ng mga tao.


Umaasa rin ang beauty queen na hindi magbabago ang suporta ng mga Pilipino sa kanya, pati na sa pagboto sa kanya sa pamamagitan ng Internet.


Kabilang si Bianca sa mga nakisaya sa Japan Food Fair sa Tokyo Kasama niya ang pambato ng Canada na isa ring Filipina at kaibigan ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago. We’ll gudluck Bianca Guidotti. Hope yuou’ll bring home the bacon!!! SABEEEE!/THROY J. CATAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Idol ang awesome talent ni Dennis Trillo!


No comments:

Post a Comment