POSIBLENG mamuo at muling maging low pressure area (LPA) ang namataang kaulapan ng PAGASA sa silangan ng Visayas.
Humina ang LPA at naging kaulapan na lamang ayon kay PAGASA weather forecaster Alvin Pura.
Wala pang epekto sa bansa sa ngayon ang kaulapan.Pero posibleng sa Huwebes o Biyernes, magpaulan na ito sa silangang bahagi ng Luzon at Visayas, oras na lumapit pa ito sa kalupaan at maging LPA.
Pagtaya ni Pura, hindi nakikitang magiging bagyo ang LPA. Ito’y dahil sa paglakas ng northeast monsoon o Amihan.
“Dahil lalakas ang Amihan natin sa Biyernes, lalakas din ‘yung ating malamig na hangin so malulusaw, posibleng mawala itong low pressure area na ‘to.”
Dagdag ni Pura, asahan na sa Huwebes pa lamang mararamdaman na ang pagbaba ng temperatura sa Northern Luzon.
Sa ngayon, inaasahan nating magtutuloy-tuloy na ang paglamig hanggang Pebrero.
Ngayong Huwebes, magiging maaliwalas naman ang panahon sa kalakhang bahagi ng bansa.
Umiiral pa rin sa Luzon ang Amihan, dahilan para makaasa ng pulo-pulong mahinang mga pag-ulan. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment