Monday, November 10, 2014

Bagito, patay sa curfew

BONTOC, MOUNTAIN PROVINCE – Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos tumalon sa isang police car na naaresto sa curfew sa Bontoc sa nasabing lalawigan kagabi, November 10.


Kinilala ng Bontoc police ang biktimang si Stephene Galidan, estudyante ng Mountain Province State Polytechnic College, ng nasabing bayan.


Ang dalawang kasamahan ni Galidan ay nakatakas habang siya’y sumuko sa mga pulis.


Sa imbestigasyon, dadalhin na sana si Galidan sa himpilan ng pulisya nang bigla itong tumalon mula sa patrol car.


Naitakbo pa umano ang biktima sa ospital ngunit namatay din matapos ang ilang oras dahil sa mga tinamong injury.


Samantala, magsasampa naman ang kaukulang kaso ang mga magulang ni Galidan sa mga pulis.


Ayon sa mga magulang, may nangyaring foul play dahil sa magkakaibang bersyon ng patrolling policemen at testigo ng insidente. ALLAN BERGONIA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagito, patay sa curfew


No comments:

Post a Comment