UMAABOT SA 48 katao ang napatay habang 79 naman ang sugatan sa pagsabog na naganap sa Potiskum, Northeastern Nigeria.
Batay sa report ng Potiskum General Hospital, karamihan sa mga biktima ay mga estudyante.
Ayon sa mga nakasaksing guro sa Government Science Secondary School (GSS), sinamantala umano ng bomber na pasabugin ang dalang bomba habang nasa morning assembly ang mga estudyante.
Nagpanggap umanong estudyante at gumamit pa ng school uniform ang suspek na responsable sa krimen.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang wala pang grupo ang umaako sa naganap na pagsabog. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment