Sunday, November 9, 2014

Lola sinalbahe bago tinigbak

BUKOD sa pinatay sa sakal, isang lola ang posible pang ginahasa ng mga adik sa Quezon City kaninang madaling-araw, Nobyembre 10.


Nagtamo din ng isang malalim na sugat sa ulo na maaring pinalo ng matigas na bagay at saksak sa tiyan ang biktimang si Violeta Garcia, 68. Nakalilis din ang suot na leggings nito na senyales na posibleng ginahasa ito.


Suspetsa naman ng mga residente na ang karumal-dumal na krimen ay kagagawan ng mga drug addict na naglipana sa lugar.


Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 4:45 ng madaling-araw na nakasalampak sa gilid ng isang madilim na iskinita sa may Lira St., sa Bgy. North Fairview, Q.C.


Ayon sa panganay n anak ng biktima na si Kay Arsino Garcia, bago ang insidente ay nag-inuman pa sila kagabi ng kanyang nanay at ilan sa kanyang kapatid.


Pero nang maubos na ang kanilang iniinom, lumabas ng bahay ang kanyang nanay pero hindi na nakabalik kaya hinanap nila ito.


Isa namang residente na hindi nakuha ang pangalan at mamalengke noon ang nakatalisod sa bangkay ng biktima.


Lumabas sa awtopsiya, may malaking putok sa ulo ang biktima at nangingitim pa ang leeg nito na isang senyales na pinatay ito sa sakal.


Hinihintay naman ng pulisya ang resulta ng awtopsiya para malaman kung ito’y ginahasa. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Lola sinalbahe bago tinigbak


No comments:

Post a Comment