Monday, November 3, 2014

2015 budget, bubusisiin sa SC

AALAMIN ni Abakada Representative Jonathan dela Cruz sa Korte Suprema ang humigit-kumulang sa P400-bilyong nilalaman ng 2015 national budget na walang malinaw na pagkakagastusan o makatwirang paglalaanan na mga proyekto.


Binigyang-diin ni Dela Cruz na kabilang sa mga kwestyonableng pondo ay P200-bilyon para sa wala pang programang pagkakagastusan.


Kasama rito ang planong P54.3-billion na ‘Equity Value Buy Out’(EVBO) ng MRT-3, P2-billion para sa mga ‘IT Tablets’ para sa Departments of Education (DepEd), health, social welfare and development, agriculture, labor, transportation and communications at Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at P1-billion na taunang inilalaan din sa iba’t ibang mga ahensya para sa modernisasyon ng IT systems. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



2015 budget, bubusisiin sa SC


No comments:

Post a Comment