Monday, November 10, 2014

Kings tinamaan ng Thunder

TUMIPA si Reggie Jackson ng 11 sa kanyang 22 points sa fourth quarter upang buhatin ang naghihingalong Oklahoma City Thunder laban sa Sacramento Kings, 101-93, sa nagaganap na 2014-15 National Basketball Association (NBA) regular season kaninang umaga.


Umiskor ng walong puntos sa huling 2:17 minuto kasama ang 6-of-7 sa freethrow line upang ilista ang 2-5 win-loss slate ng Thunder.


Sa Disyembre pa makalalaro ang reigning MVP na si Kevin Durant habang ang isa pang star player ng Thunder na si Russell Westbrook ay tatlong linggo pa bago makalaro.


Nag-ambag si Jeremy Lamb ng 17 points habang si Serge Ibaka ay naglista ng 14 points, nine rebounds at four blocks para sa OKC.


Si Rudy Gay ang nanguna sa opensa para sa Kings matapos magtala ng 23 pts., 10 rebounds at six assist habang may dinagdag si DeMarcus Cousins and Ben McLemore ng tig-16 points.


Ang Thunder ang may pinakamababang scoring team sa liga subalit may shot na 46% naman sila sa field.


Sinalpak ni Jackson ang kanyang 3-pointer sa pagtatapos ng second quarter para ilagay ang Oklahoma sa 52-39 lead sa halftime.


Nalasap ng Kings ang ikalawang talo sa pitong laro.


Samantala, nilista ng Los Angeles Lakers ang unang panalo sa season matapos kaldagin ang Charlotte Hornets, 107-92.


Kumamada ng tig-21 markers sina Kobe Bryant at Jeremy Lin para ipinta ang 1-5 panalo-talo karta.


Nagsumite rin si Carlos Boozer ng 16 pts. at limang rebounds para sa Lakers.


Sa ibang NBA resulta, tinusta ng Miami Heat ang Dallas Mavericks, 105-96, habang kinana ng Portland Trail Blazers ang Denver Nuggets, 116-100. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kings tinamaan ng Thunder


No comments:

Post a Comment