Monday, November 10, 2014

Insurance ng PhilHealth, pang-mayaman na rin

SAKOP na rin ng mandatory health insurance ng PhilHealth ang mayayamang senior citizen sa bansa.


Sa katunayan ay opisyal na nilagdaan ni Pangulong Aquino ang Republic Act 10645, noong Nobyembre 5 kung saan naglalayong gawing mandatory ang probisyon ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) coverage sa lahat ng mga Filipino na 60 taon pataas o kahit na anoman ang social at economic status ng isang senior citizen.


Sa kasalukuyan ay tanging mga indigent senior citizens lamang ang karapat-dapat sa PhilHealth coverage sa ilalim ng Republic Act (RA) 7432 na inamyendahan ng RA 9994, o mas kilala bilang Expanded Senior Citizens Act of 2010.


“All senior citizens shall be covered by the national health insurance program of PhilHealth. Funds necessary to ensure the enrollment of all senior citizens not currently covered by any existing category shall be sourced from the National Health Insurance Fund of PhilHealth from proceeds of Republic Act No. 10351, in accordance with the pertinent laws and regulations,” ang nakasaad sa bagong batas.


Matatandaang noong Hunyo ay nakapagtala ang PhilHealth ng 3.9-million senior citizens bilang lifetime members, dependents, sponsored o indigents.


Tinatayang 2.16-million senior citizens naman ang naghihintay na mapasama o mabigyan ng health insurance coverage.


Ang PhilHealth, para sa buwan ng Disyembre 2013, ay may 31.27-million registered members at 45.63-million dependents na may kabuuang 76.90-million Filipino.


Para sa taong 2013, nakalikom ang Philhealth ng P62-billion mula sa premium contributions na mas malaki pa sa subsidy na P12.612-billion na nakukuha nito mula sa national government.


Ang PhilHealth ay nagbabayad ng P55.559-billion para sa benefits payment. KRIS JOSE


.. Continue: Remate.ph (source)



Insurance ng PhilHealth, pang-mayaman na rin


No comments:

Post a Comment