Monday, November 10, 2014

Azkals kikilatisin ng Cambodia

SISIPA ang Philippine Azkals sa AFF Suzuki Cup 2014 Final Round na gaganapin sa Nobyembre 22 sa Hanoi, Vietnam.


Pero bago sila tumulak patungong Hanoi, Vietnam ay kikilatisin muna sila sa isang friendly match na Nov. 14 sa Rizal Memorial Football Stadium.


Sasagupain ng National “A” teams ng Pilipinas sa Cambodia na hahataw alas-otso ng gabi.


Masusubukan ang Phl Azkals na sasandal sa mga beterano na sa ilang international matches kung may progreso ang kanilang paghahanda sa Suzuki Cup.


Samantala, mabibili na ang tickets sa PHL-CAM friendly via TicketWorld sa pamamagitan ng kanilang online booking at ticket outlets nationwide.


Maaari rin na bumili sa mismong araw ng match. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Azkals kikilatisin ng Cambodia


No comments:

Post a Comment