Monday, November 3, 2014

Suspek sa panunutok ng baril sa UP professor, tukoy na

BILANG na ang araw ng mga suspek ng baril sa isang UP Law Professor habang nakasakay kasama ang mga apo, anak at manugang nito.


Ito’y makaraang matukoy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 10 suspek na sangkot sa insidente.


Sa ngayon ay inaalam na ng ahensya ang pagkatao at impormasyon hinggil sa mga ito.


Nagtunggo sa NBI ang complainant ang Director ng Institute of Human Rights sa UP Law Center. Bumuo agad si NBI Director Atty. Virgilio Mendez ng isang grupo na pinamumunuan ni Atty. Danielito Laluces.


Sa impormasyon nakalap ng NBI, apat dito’y mga aktibong uniformed personnel at anim na civilian security guards.


Tinutukan ng mga security ng ina ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, na si Priscilla Meneses ang sasakayan ni UP Professor Elizabeth Pangalagan.


Gamit ang isang silver na Toyota Innova na may plakang ZEL 124, nagkaroon ng traffic altercation sa Congressional Avenue. Isang puting Toyota Land Cruiser na may plakang PQS 904 ang nakita din naka-convoy sa sasakyan ni Meneses. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


.. Continue: Remate.ph (source)



Suspek sa panunutok ng baril sa UP professor, tukoy na


No comments:

Post a Comment