Tuesday, November 25, 2014

Kano, arestado ng panglalamas ng masahista sa Boracay

NAHAHARAP ngayon sa kasong acts of lasciviousness ang isang Amerikanong turista matapos na panggigilang himasin ang dibdib at puwitan ng limang-buwang buntis na masahista sa isla ng Boracay.


Ang suspek na nahaharap sa kaso ay kinilalang si Jay Stoelthing, 55, nagbabakasyon lamang sa isla.


Sa reklamo ng 22-anyos na biktima na hindi muna pinangalanan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), pumasok umano ang turista sa loob ng SPA clinic sa Bgy. Balabag at nagpa-whole body massage.


Aniya, nang inutusan na niya ang Amerikano na tumihiya ay sinabihan umano siya nito na imasahe pati ang kanyang ari.


Nang tumanggi ang biktima ay dinakma umano ng suspek ang kanyang kaliwang dibdib at hinawakan pa ang kanyang ari.


Habang palabas ng kuwarto ay hinimas din nito ang kanyang puwitan.


Kaagad na dumulog sa BTAC ang biktima dahilan ng pagkakaaresto sa dayuhan.


Sinubukan pang makipag-areglo ng Amerikano ngunit hindi pumayag ang mister ng biktima at tuluyang kinasuhan ang suspek.


Sa ngayon ay nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP-Aklan) ang Kano. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kano, arestado ng panglalamas ng masahista sa Boracay


No comments:

Post a Comment