Thursday, November 27, 2014

17 barko sa Cebu, suspendido ang biyahe sa bagyo

UMABOT na sa 17 mga barko ang hindi pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG-7) na maglayag dahil sa public storm signal warning na pinaiiral ngayon ng PAGASA-Mactan.


Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal sa lahat ng mga mangingisda ang pumalaot sa karagatan.


Kaugnay nito, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaking nawala matapos na hindi makaahon sa karagatan ng Bgy. Alo, bayan ng Oslob, Cebu.


Kinilala ang biktimang si Feleciano Looc, 45, tubong Siquijor at pansamantalang nakatira sa nasabing bayan.


Sa imbestigasyon, isang Geronimo Vinggan ang nagsabing lumangoy ang biktima patungo sa kanyang pump boat na natanggal ang pagkakatali sa isa pa niyang pump boat mula sa baybayin.


Ngunit ilang minuto ang lumipas, hindi na umano nakaahon ang biktima.


Sinubukan pa umano ni Vinggan na hanapin ang lalaki upang iligtas ngunit dahil sa may kalayuan nang kinalalagyan ng pump boat mula sa baybayin at sa sama ng panahon ay hindi na niya sinubukan pa.


Ayon pa kay Vinggan, umabot ng limang oras ang kanyang ginawang pagsuyod sa bahagi dagat kung saan niya ito huling namataan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



17 barko sa Cebu, suspendido ang biyahe sa bagyo


No comments:

Post a Comment