Monday, November 3, 2014

Intsik natagpuang patay sa Pangasinan

TINUTUGIS na ng pulisya ang suspek sa pagpaslang sa isang negosyanteng Intsik na natagpuan ang bangkay sa kanyang mismong nirerentahang bukirin sa Mangatarem, Pangasinan.


Duguang natagpuan ang bangkay ni Luciano Co sa bakuran ng kanyang nirerentahang bukid sa Bgy. Macarang, GMA, Dagupan.


Lumalabas sa imbestigasyon na pinalo ng tubo ang ulo ng biktima.


Ayon pa sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima noong Linggo ng gabi.


“Pinalo kasi may bakal riyan may dugo. Dahil doon sa pagsasagutan nilang dalawa at dun sa pera,” ayon sa may-ari ng bukid na si Elma Escaño. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Intsik natagpuang patay sa Pangasinan


No comments:

Post a Comment