Monday, November 3, 2014

Harden binitbit ang Rockets

HUMARBES ng 35 puntos at siyam na rebounds si James Harden upang bitbitin ang Houston Rockets laban sa Philadelphia 76ers.


Nilista ng Rockets ang kanilang best start sapul noong 1996 matapos paluhurin ang Sixers, 104-93, kaninang umaga sa 2014-15 National Basketball Association (NBA) regular season.


May inambag na 24 points si Trevor Ariza kasama ang six 3-pointers habang 11 puntos at 14 rebounds ang kinana ni Dwight Howard upang ilista ng Rockets ang 4-0 win-loss slate at samahan ang Memphis Grizzlies sa unahan ng team standings sa Western Conference.


Subalit masusubukan ang kanilang tikas sa susunod nilang laro dahil mapapalaban sila sa Miami Heat at defending champion San Antonio Spurs.


“We didn’t overlook these guys and think about Miami and San Antonio,” ani Howard.


Tinarak ni Harden ang unang 17 free throws bago ito magmintis.


Umungos agad ang Rockets sa first canto, 32-19, subalit pumalag ang Sixers sa second period upang idikit ang iskor, 55-54, sa halftime.


Si point guard Tony Wroten ang nanguna sa opensa ng 76ers na may 20 pts. at tig-limang rebounds at steals, sinundan siya ni Brandon Davis na sumikwat ng 13 puntos at apat na boards.


Sa ibang resulta, sinilo ng Brooklyn Nets ang pilay na Oklahoma City Thunder, 116-85, para ipinta ang 2-1 win-loss card.


Hindi naglaro ang dalawang star players ng Thunder na sina reigning MVP Kevin Durant at Russell Westbrook kaya nalasap nila ang ikatlong kabiguan sa apat na laro.


Kinalmot naman ng Grizzlies ang New Orleans Pelicans, 93-81, habang pinayuko ng Sacramento Kings ang Denver Nuggets, 110-105. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Harden binitbit ang Rockets


No comments:

Post a Comment