Monday, November 10, 2014

Happy 72nd birthday VP Binay – Palasyo

BINATI ng Malacañang si Vice-President Jejomar Binay sa kanyang ika-72 na kaarawan sa kabila ng kinahaharap na mga kontrobersiya.


Ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, nais nilang magkaroon ng magandang kalusugan at mahabang buhay ang bise-Presidente.


Dumistansya naman ang Malacañang sa birthday wish ni Binay na tigilan na ang black propangada kontra sa kanya.


Ayon kay Valte, walang kinalaman ang Malacañang sa paninira kay Binay.


Ipapaubaya na rin umano ng Palasyo sa Senate Blue Ribbon committee ang nasabing usapin kung ipagpapatuloy pa ang hearing sa Senado matapos humirit si Senator Miriam Defensor-Santiago na itigil na ang imbestigasyon at isampa na lang ang kaso sa Ombudsman. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Happy 72nd birthday VP Binay – Palasyo


No comments:

Post a Comment