NAKABALIK na sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Ito’y matapos maihatid sa huling hantungan ang apo sa Sanctuario de San Antonio Columbarium sa Forbes Park sa Makati City.
Magugunitang pinayagan ng Sandiganbayan si Arroyo na makadalaw at makipaglibing sa apo na si Jorge Alonso “Hugo” Arroyo Bernas, 13-month old na anak ng unica ija ni Arroyo na si Luli.
Nitong nakaraang Linggo, pinayagan ng Sandiganbayan si Mrs. Arroyo na makapunta sa burol ng kanyang apo sa Forbes park sa Makati City sa loob ng anim na araw pero hindi pinagbigyan ang kanyang mosyon para sa isang house arrest.
Namatay ang apo ni Mrs. Arroyo noong nakaraang Nobyembre 2 sanhi ng congenital heart disease. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment