Tuesday, November 4, 2014

CGMA, na-aprub sa lamay at libing ng apo

HINDI pinagbigyan ng Sandiganbayan ang kahilingan ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na ma-house arrest ng siyam na araw kaugnay sa pagpanaw ng kanyang apo.


Katwiran ng korte, mabigat ang kasong plunder na kinahaharap nito at nangangailangan ng atensyong medikal kaya naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).


Gayunman, dahil sa humanitarian considerations, pinayagan si Arroyo na makadalaw sa burol ng apo sa Forbes Park sa Makati City simula ngayong Martes, Nobyembre 4 hanggang Linggo, Nob. 9 pero mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-10:00 ng gabi lamang.


Maaari ring dumalo si CGMA sa libing ng apo sa Nob. 10 mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.


Sa dalawang pahinang desisyon ng Sandiganbayan, nakasaad din na pagkakalooban ng Philippine National Police (PNP) ng kaukulang seguridad si Arroyo pero ang akusado ang magbabayad sa lahat ng gastusin sa biyahe.


Ipinagbabawal din itong magpaunlak ng panayam sa media at gumamit ng communication gadgets.


Matatandaang sa orihinal na hirit ng dating pangulo, nais sana nitong ma-hospital arrest ng siyam na araw sa kanyang tahanan sa La Vista, Quezon City para araw-araw ay makadalaw sa burol ng apo, pati na sa libing. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



CGMA, na-aprub sa lamay at libing ng apo


No comments:

Post a Comment