BINULABOG ng bomb threat ang isang commercial building sa kanto ng Gil Puyat at Chino Roces Ave. sa Makati City.
Agad na pinalabas ang mga tao sa loob ng Exportbank Plaza matapos makatanggap ng bantang pagpapasabog sa gusali bandang alas-10:00 kagabi.
Rumesponde naman sa lugar ang Makati Bomb Squad para inspeksyunin ang gusali.
Bago maghatinggabi ay pinabalik na rin ang mga empleyado matapos na mag-negatibo sa bomba ang gusali. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment