DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Limang lalaki ang umano’y bangag sa iligal na droga nang mahuli sa aktong nagpa-pot session sa ilalim ng tulay sa Dagupan City sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng Dagupan City police ang mga suspek na sina Jun Malapit, Lester Madriaga, Breean Lim, Kevin Decano at Kim Mandy Vinluan, lahat ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, nagpapatrolya ang mga pulis nang makita nila ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa ilalim ng Magsaysay Bridge.
Ayon sa pulisya, lahat ng suspek ay mga “high on drugs” ng sila’y bitbitin sa presinto.
Nakumpiska rin ang mga drug users’ paraphernalia at shabu mula sa suspek na ngayon’y nakakulong na sa Dagupan City detention cell. ALLAN BERGONIA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment