SUGATAN ang isang 17-anyos matapos pagtatagain ng kapwa niya menor-de-edad kaninang madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Ginagamot ngayon sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Jhon Philip Ignacio, ng 210 Lallana St., Tondo, Maynila.
Nakatakas naman ang mga suspek na ang isa ay nakilala sa alyas na Erwin.
Ayon kay P03 Bernabe ng Manila Police District Raxabago Police Station – 1, dakong 4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Lacson at Mata Sts., Tondo, Maynila.
Sa imbestigaayon, naglalakad umano ang biktima nang harangin ng mga suspek.
Bago pagtatagain ay sinabihan pa ito ng isa sa suspek ng “maporma ka ha.”
Kaagad naman nagtakbuhan ang dalawang suspek nang makitang duguan na ang biktima na mabilis namang isinugod ng concerned citizen sa pagamutan.
Patuloy ang pagtugis ng pulisya sa mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment