MASAMA ang ikinikilos ni veteran point guard Alex Cabagnot, may iniinda naman injury si Terrence Romeo, kaya naman ipinakita ni Ronjay Buenafe na pwede pa siyang asahan ng kanyang coach at maging clutch player.
Sa dalawang sunod na panalo ng GlobaPort Batang Pier, malaki ang naitulong ni Buenafe para isalo ang koponan sa fifth to seventh place.
Kumana ang 31-anyos na si Buenafe ng 11 sa kanyang 19 puntos sa second half upang angklahan ang kulang sa taong GlobalPort laban sa KIA Motors, 84-79, sa eliminations round ng PBA Philippine Cup.
Ang 6″2 guard na dating pambato ng Emilio Aguinaldo ay nakipagtulungan sa mga rookies na sina Anthony Semerad at Stanley Pringle para iangat ang Batang Pier kontra sa wala pang panalong Blackwater Elite, 87-72.
Bumira si Buenafe ng team-high 17 points kabilang ang apat na three-pointer para makisalo ang Batang Pier sa Rain or Shine at Talk ‘N Text na may tig-3-2 win-loss records.
“It’s a challenge for me kasi ‘di nga maganda nilalaro ni Terrence, he’s on a shooting slump, so ako, I have to step up sa team, kasi kung hindi, sino pa mag-step up sa amin?” wika ni Buenafe.
Dahil sa ipinakitang laro, nahirang siyang Accel-PBA Player of the Week para sa Nov. 4-9.
Inungusan ni Buenafe sa nasabing citation sina Greg Slaughter and Mac Baracael ng Barangay Ginebra at teammates na sina Pringle at Semerad.
Samantala, kumpiyansa si Buenafe na makakapasok sa playoffs ngayong conference ang Batang Pier. ELECH DAWA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment