Thursday, November 27, 2014

BINAY, READY NA BANG UMATRAS?

TATANGGAPIN kaya ni Binay ang katotohanang bumabagsak na ang kanyang popularidad sa masang Pilipino at suntok sa buwan na lang ang ambisyon niyang maging Pangulo ng bansa?


Ito ang tiyak na kakaharapin na problema ni Binay dahil siguradong babagsak pa muli ang kanyang popularity rating sa mga susunod na survey na kung saan nagwagi at naniwala ang nakararaming mamamayan sa pinagsasabi nina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes, kasama ang mga dating kaalyado ni Binay na si former Vice Mayor Ernesto Mercado.


Tiyak na nararamdaman na rin ni Binay sa ginagawa niyang pag-iikot sa iba’t ibang parte ng bansa na nanlulumo na ang mga taong sumusuporta sa kanya lalo’t higit ang mga bigtime na politiko na hari ng mga bayan-bayan.


Alam naman natin lahat na kapag mabango ka sa politika at angat sa laban ay todo-suporta ang taumbayan lalo’t higit ang mga tusong trapo pero kapag palubog na ang iyong barko ay animo’y meron kang ketong na ayaw nang lapitan ng sinoman.


Ito tiyak ang nangyayari kay Binay dahil kitang-kita naman sa lahat ng survey na bumagsak na ang kanyang tyansa na maging Pangulo ng bansa at ito ang dapat niyang kaharapin kung tatanggapin ba niya ang hamon ng pag-atras upang magbigay-raan sa bagong pambato ng oposisyon.


Napansin din ng lahat na noong inilunsad niya ang bagong partido na UNA ay walang mga higanteng pangalan na lumahok dito mga ilan buwan na ang nakalilipas at iyan ay isang indikasyon na rin ng paglubog.


Syempre, kasabay ng pagtanggap sa pag-atras ang pag-asa na mananalo ang kanyang ipapalit dahil buhay at kapalaran din ng kanyang mga mahal sa buhay ang nakataya rito.


Tiyak na kapag nagwagi ang mga gumiba sa kanya sa 2016 ay lalo siyang mababaon sa iba’t ibang asunto at ito ang dapat niyang siguraduhin dahil kapag nagkamali siya ng desisyon ay tiyak na mawawala ang lahat ng kanyang pinaghirapan ng halos 30 taon.


Bukod sa pag-atras, option din ni Binay na tumahimik sa politika at makipag-deal o laro sa kanyang mga kalaban para maisalba ang kanyang angkan at pinaghirapan.


Siguro ang tangi na lamang niyang mahihiling ay arborin ang Makati na kung saan siya naghari ng ilang panahon dahil mukhang maging ito’y ipinangako na ng LP at iba pang grupo na gumiba kay Binay, kay Ernesto Mercado.


Malayo pa nga ang halalang 2016 pero mas masahol ang inabot ni Binay kay dating Senador Manny Villar dahil hindi lamang wasak si Nognog kundi durog na durog pa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO


.. Continue: Remate.ph (source)



BINAY, READY NA BANG UMATRAS?


No comments:

Post a Comment