Thursday, November 27, 2014

PRC PASIMUNO NG MATINDING RED TAPE

PAGDATING sa kawalan ng maayos na sistema at napakasalimuot na red tape, number one sa ating bansa itong Professional Regulatory Commission (PRC) sa pangunguna nitong si PRC Acting Commissioner Angeline Chua Chiaco.


Muli na naman nating naranasan ang napakawalang-kwentang sistema ng PRC noong sinamahan ko ang aking anak upang kumuha ng kanyang lisensya bilang isa sa pinakabagong psychometrician ng ating bansa. Ganitong-ganito rin ang perwisyong naranasan namin noong kukuha pa lamang siya ng tinatawag na notice of admission upang makakuha ng board exam.


Isipin niyo, bibili ka pa lang ng documentary stamp ay sobrang haba na ang pila samantalang ang requirement na ito ay maaari naman sanang ipadaan na lamang sa internet o dili kaya sa mga third-party outlet.


Pagkatapos mong magbayad at kumuha ng doc stamp ay muli ka na namang pupunta sa isa na namang napakahabang pila upang magpa-print ng kanilang tinatawag na oath form na nakasaad na rin dito ang personal na impormasyon ng taong nais kumuha nito.


Pagkatapos na ibigay sa iyo ang tinatawag na oath form ay muli ka namang papupuntahin sa isa na namang napakahabang pila upang diumano ay i-verify ang dokumento na sa kanila mismo nanggaling. Oh ‘di ba napakalaking kabalbalan ‘yan?


Pagkatapos mong ipa-verify ang dokumentong sila naman ang nag-isyu ay dadalhin ka na naman sa isa na namang pila upang magbayad samantalang ito rin ay maaari na rin sanang padaanin ng diretso sa mga bangko. Pagkatapos nito muli ka namang masasadlak sa pila upang kumuha naman ng tinatawag na record card at registry sheet at ang kasunod nito ay pipila ka naman para isumite ang mga dokumentong ibinigay sa iyo at kunan ng thumbmark.


At ‘di pa ‘yan tapos dahil muli ka namang pipila para makuha ang iyong claim stub at ang iyong schedule of oath. By the time na matapos mo ito ay naubos na ang buong araw kahit napakaaga pa ang punta mo sa PRC.


Saksakan din ang kabastusan ng isang cashier ng PRC na si Marissa de Jesus dahil pagkatapos pumila ng napakahaba ng aking anak ay ayaw nitong tanggapin ang bayad dahil ang gusto niya ay eksaktong halaga ang ibabayad sa kanya. Eh kung ‘di ba naman tarantado itong De Jesus na ito eh ‘di sana naglagay siya ng abiso na hindi siya tumatanggap ng buong pera! Ginagamit kaya nitong si De Jesus ang utak nito at ‘di man lang niya naisip na bilang cashier ay obligasyon niyang magkaroon ng pambarya.


Mukhang kinakailangang silipin na ng Kongreso itong matinding red-tape sa PRC at mukhang kailangan na ring sibakin ang mga walang kwentang empleyado rito na gaya nitong cashier na si De Jesus. BIGWAS/GIL BUGAOISAN


.. Continue: Remate.ph (source)



PRC PASIMUNO NG MATINDING RED TAPE


No comments:

Post a Comment