Monday, November 10, 2014

Automated election sa 2016, mas mapagkakatiwalaan

ITINUTULAK ng isang mambabatas na automated election pa rin ang dapat ipatupad ng Comelec sa halalan kahit may mga grupong nagsusulong na hindi na dapat gamitin ang precinct count optical scan (PCOS) sa 2016 elections.


Ayon kay Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano, mas mapagkakatiwalaan pa rin ang automated elections kung ikukumpara sa mano-manong pagbilang ng boto.


Naging “historical landmark” na ang nasabing halalan gamit ang automated election system na nag-umpisa noong 2010 dahil nabawasan ang isyu ng dayaan.


Aniya pa, kahit nagkaroon ng kaunting problema sa paggamit ng PCOS machine ay nakatitiyak naman ang sambayanan na hindi nagkaroon ng dayaan.


Gayunman, bukas naman si Cayetano sa panukalang baguhin ang sistema ng halalan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Automated election sa 2016, mas mapagkakatiwalaan


No comments:

Post a Comment