Tuesday, November 25, 2014

Adik na gusto ulit makulong, nang-hostage

DAHIL mas gusto pa ng isang adik sa loob ng kulungan ay nang-hostage ang una ng isang dalaga sa Caloocan City, Miyerkules ng umaga, Nobyembre 26.


Nakilala ang suspek na si Joshua Jericho Ramirez, 32, ng Rajah Bago, Gagalangin, Tondo, Manila.


Base sa ulat, alas-8 ng umaga, naglalakad ang biktimang si Danica Dacer, 19, sa harap ng RJ Bus Station sa Monumento ng lungsod nang hatakin ng suspek sabay tutok ng screw driver.


Nagkaroon ng kaguluhan na agad na pinuntahan ng mga traffic enforcer kung saan hiniling ng suspek na makausap ang kanyang ina.


Mas gusto pa umano ng suspek sa loob ng kulungan dahil inaapi lang siya sa labas dahilan upang tumawag ng mga pulis ang mga enforcer habang ang iba’y nagtungo sa lugar ng suspek upang hanapin ang nanay ng una.


Hindi nakita ng mga enforcer ang nanay ng biktima kung saan nagawa ng mga rumespondeng mga pulis na madakma ang suspek at madakip habang nasa ligtas naman kalagayan ang dalaga.


Nabatid na ilang araw nang walang tulog at kain ang suspek dahil sa epekto ng droga kung saan kalalaya lang ng una nitong nakalipas na Setyembre. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Adik na gusto ulit makulong, nang-hostage


No comments:

Post a Comment