Tuesday, November 25, 2014

Nahuling suspek sa Cotabato blast, idiniin ng kaibigan

LALO pang nadiin sa krimen ang isang lalaki na nahuli lamang sa isang simpleng checkpoint nitong Martes ng hapon sa Sultan Kudarat matapos inguso ng kanyang kaibigan na siyang nasa likod ng pagpasabog ng bomba sa isang overpass sa Kabaca town, Cotabato nitong nakaraang Nobyembre 16 na ikinamatay ng isang babaeng estudyante at ikinasugat ng may 16 katao.


Ayon sa testigo na ayaw magpakilala, dahil sa naturang insidente ay binagabag siya ng kanyang konsensya at ilang gabi na hindi masyadong nakatulog.


Kaya aniya, para hindi na nakawala pa at mapanagot ang suspek na si Badrudin Abid sa pagkamatay ng biktima na si Monique Mantawil, 19, at sa may 16 na nasugatan ay nagpasya siyang isiwalat niya ang kanyang nalalaman.


“The witness and the suspect were friends. His conscience forces him to turn himself as witness in the Kabacan blast,” pahayag ni Cotabato police chief Senior Supt. Danilo Peralta.


Kaya nang malaman ng testigo na nahuli at nakakulong si Abid ay agad itong pumunta sa presinto para tumayong testigo laban dito.


Ayon kay Peralta, naaresto si Abid na hindi na nakapalag pa sa isang military checkpoint sa President Quirino town sa Sultan Kudarat dakong 3 p.m.


Nahaharap ngayon si Abid sa kasong murder, multiple frustrated murder at multiple attempted murder.


Matatandaaang noong Nobyembre 16 ng gabi, sumambulat ang improvised explosive device (IED) na ikinamatay ni Mantawil.


Sinabi rin ni Peralta na si Abid ay sangkot din sa iba’t ibang krimen sa Cotabato at mayroong warrant of arrest sa kasong carnapping at robbery.


Samantala, sinabi ni Peralta na tinutugis pa nila ang dalawa pang kasabwat ni Abid. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



Nahuling suspek sa Cotabato blast, idiniin ng kaibigan


No comments:

Post a Comment