Sunday, November 2, 2014

Mas malaking delegasyon, ikakasa para sa China visit ni PNoy

IKAKASA ang malaking delegasyon ni Pangulong Noynoy Aquino sa biyahe nito sa China.


Ito’y upang dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Summit sa susunod na linggo.


Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, layon nito na ipakita ang suporta ng Pilipinas sa China at makita rin ang preparasyong ginagawa nila bilang host ng APEC lalo’t gagawin ito sa Pilipinas sa susunod na taon.


Mahirap aniya ang preparasyon kaya’t nais makita at maobserbahan ito ng delegasyon ng Pangulo upang hindi mangapa at mapahiya ang gobyerno.


Inaasahan din ang pagdagsa ng mga bisita bukod pa sa mga lider ng iba’t ibang bansa at miyembro ng media mula sa iba’t ibang bansa na tinatayang aabot sa 4,000. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Mas malaking delegasyon, ikakasa para sa China visit ni PNoy


No comments:

Post a Comment