Saturday, November 1, 2014

7 katao nalason sa itlog-maalat

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Pito katao ang isinugod sa ospital matapos malason sa kinaing itlog na malalat sa bayan ng San Carlos sa nasabing lalawigan.


Kinilala ang mga nalason na magkakapatid na sina Angela Malicdem, limang taong gulang; Mariela Malicdem; pitong taong gulang at Cristina Malicdem, dalawang taong gulang.


Samantala, dinala din sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) si Saturnino Castro, 50-anyos at anak na si Belinda, 10 taong gulang.


Ayon sa salaysay ng ina ng magkakapatid na Malicdem, itlog na maalat ang kanilang inulam nang magtanghalian noong nakaraang Biyernes.


Pagkatapos kumain, nakaranas ng pananakit ng tiyan at nagsuka ang mga biktima.


Sa pahayag ng mga doktor, posibleng kontaminado ng bacteria ang nakaing itlog ng mga biktima.


Iniimbestigahan ng San Carlos City health office kung saan nabili at nagmula ang mga itlog maalat. Allan Bergonia


.. Continue: Remate.ph (source)



7 katao nalason sa itlog-maalat


No comments:

Post a Comment