HABANG ginugunita ang Todos Los Santos, dalawang biktima ng summary execution ang natagpuan sa Buso-Buso cemetery sa Antipolo, Rizal.
Batay sa pulisya, nadiskubre ang mga bangkay sa pamamagitan ng isang lalaking bumisita sa puntod ng kanyang mga kaanak.
Natagpuan ang mga biktima habang nakasilid sa isang black plastic garbage bag habang balot naman ng packaging tape ang mukha na palatandaan na pinahirapan ang mga ito.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa mga hindi pa kilalang biktima. Johnny Arasga
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment